HB 04294 hiniling na repasuhin

 MORONG, Bataan – Mariing hiniling ni Morong Mayor Jorge Estanislao kay First District Congresswoman Herminia Roman na repasuhin ang House Bill 04294 hinggil sa sharing na natatanggap ng apat na munisipalidad mula sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA).       

   Ayon kay Mayor Estanislao, ang mga bayan ng Subic, Zambales, Dinalupihan, Hermosa at Morong, Bataan ay tumatanggap ng share mula sa kita ng SBMA. Nais ng Punong Bayan ng Morong na sana ay mas malaki ang share na matanggap ng Morong dahil sakop nito ang mas malawak na lupain ng SBMA kumpara sa ibang bayan. “Ang bayan ng Morong ang nakasasakop sa 8,172 hektarya ng lupa sa loob ng SBMA na kinatatayuan ng malalaking establisimyento.

   Pakiusap ni Mayor Estanislao kay Congresswoman Roman na sana bago magtapos ang kanyang termino sa 2016 ay makatanggap na ang bayan ng Morong ng mas malaking sharing para madagdagan pa ang mga proyektong pang imprastraktura sa kanyang bayan.

 

source: http://1bataan.com/news/1447-hb-04294-hiniling-na-repasuhin.html

Welcome to ladbrokes sign-up information.