Sabi po nila ang pag-unlad ay isang pangarap lamang lalung-lalo na para sa isang mahirap, subalit ito ay nagkaroon ng kaganapan sa ilalim ng pamamahala ng ating dating butihing Punong-Bayan KGG. CYNTHIA G. LINAO-ESTANISLAO, M.D. Sinikap niyang humanap ng mga paraan kung paano pagyayamanin ang kaisipan at kakayahan ng ating mga kababayan, lalong-lalo na ang mga kabataan na walang hanapbuhay.
Dahil nga dito ay umusbong ang Morong Youth Development Program na sa panimula ay tinulungan at ginabayan ng Norberto Linao Foundation. Layunin ng proyektong ito na mahasa ang kakayahan at madeveloped ang skills lalo na ng mga kabataan ng Morong. Naging supportive naman ang Technical Education Skills Development Authorities (TESDA) na nakatuwang ng pamahalaang-bayan upang ang lahat ng mga skills trainings ay maging accredited ng kanilang kawani.
Sa kabuuan, ang proyektong ito ay nakapagtapos nang 900 na trainees ng SMAW, at ang 67% nito ay naghahanapbuhay na dito man sa Pilipinas o sa ibang bansa. Dahil sa poyektong ito, ginawaran si Mayor Cynthia G. Linao-Estanislao, M.D. ng “Plake ng Pagkilala” ng pamunuan ng TESDA, na nagsadya pa sa Morong Youth Development Center upang personal na maiabot ang natatanging pagkilala.
Maliban sa Shielded Metal Arc Welding (SMAW) training, nakapagsagawa na rin ng mga librengs kills trainings para sa Airconditioning and Refrigeration, Building Wiring, Automotive, at ang kauna-unahan sa buong Bataan na Gas Tungsten Arc Welding (GTAW). Maliban dito ay nagsagawa na din ng mga pagsasanay para sa gawaing pangkabuhayan tulad ng Dressmaking, Basket and Candle-making, Cooking and Baking, Massage Therapy, Reflexology, Food & Beverages, Manicure, Pedicure at Hairdressing.Ang lahat ng nagtatapos sa mga trainings na ito ay napagkakalooban ng TESDA certificates na napakahalaga lalo na sa mga nangingibang bansa.
Ang ating kasalukuyang Punong Bayan na si KGG. JORGE S. ESTANISLAO, M.D., ay pinagpapatuloy pa rin ang mga mahalagang programang ito. Magkaagapay nilang sinisikap na gumawa at lumikha ng iba’t iba pang proyekto na lalo pang makapagpapataas sa antas ng pamumuhay ng ating mga kababayan.
Kung ating pakakaisipin, nakalahad na sa atina ng lahat ng oportunidad. Ibinibigay na sa atin ng AMA at INA ng ating bayan ang lahat ng pagkakataon na malinang at mapaunlad ang ating mga kakayahan nang LIBRE. Huwag sana natin itong sayangin at pakawalan. Sapagkat hindi lahat ay nabibigyan ng ganito kagandang pagkakataon. Ang kailangan lamang ay sipag, tiyaga at pagsisikap at siguradong abot-kamay na lang ang pag-unlad!