Ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ay isang bagong programa ng gobyerno para labanan ang kahirapan. Ang pagpili ay pinangasiwaan ng National Targeting System noong 2009 at sinundan ng on demand application noong 2010. Ang nagging target beneficiaries ay ang mga “poorest of the poor”. Nagkaroon ng survey at napili ang mga karapatdapat na pamilya.
Hinahangad ng makabuluhang programang ito ang edukasyon ng mga anak na kasapi (hanggang 3 anak bawat pamilya, pre-schooler to high school hanggang 14 na taong gulang). May P500 monthly allowance ang head of the family at P300 monthly allowance bawat isa sa tatlong anak sa school (P900) o P1,400 lahat bawat buwan.
Kasama rin sa programa ang SEA-K (Self Employment Assistance sa Kaunlaran Program). Ang programa ay mag-aassist sa pamilya na magkaroon ng livelihood project na magsisilbing isa sa kanilang pangunahing source of income under the provision of seed capital for business.
Ang Morong ay may 1,241 families beneficiaries. As of this writing o sa kasalukuyan, 1,101 ang pamilyang aktibo dahil ang iba ay naglipat na ng tirahan at ang iba naman ay nagdoble ang pangalan sa listahan.