Ito po’y isang makabuluhang community program na nagsimula sa nakaraang administrasyon ni dating Mayor Cynthia Linao-Estanislao – ang Free Cataract Operation Medical Mission. Tatlong beses na pong ginanap ito dito sa ating bayan at mahigit 400 katao na ang natulungan nito. Ito po’y sa tulong ng SUKOB Foundation at ng mga doctors mula sa St. Lukes, UST at Infant Jesus sa pangunguna ni Dra. Luisa Garcia.
Bagamat may katagalan na rin po ang huling pagsasagawa ng free cataract operation mission dito sa Morong, puno pa rin ng pasasalamat ang mga kababayang nabiyayaan nito. Ayon sa mga naoperahan sa mata, kung hindi umano nagsagawa ng cataract operation mission ang ating butihing Mayora Cynthia sa ating bayan baka tuuyan ng nabulag ang kanilang mga mata dahil wala umano silang ipambabayad sa operasyon o kahit man lang sa panggastos sa gamut at pamasahe kung sila man ay ooperahan sa ibang lugar. Kaya’t sa panayam sa bagong Mayor, Kgg. Jorge S. Estanislao na kabiyak ni Mayora Cynthia, winika niyang ang natatanging free medical mission na tulad nito ay dapat lang ipagpatuloy, palaganapin at magkaroon pa ng kasunod ng sa gayon ay marami pang mga kababayan ang mabenipisyuhan ng paglinaw ng kanilang mga mata.
Dagdag pa rito, dahil nga po sa kahirapan ng buhay at walang kakayahan na magpa-opera ng catarata, marami po sa ating mga natulungang mga kababayan ay walang pagsidlan ang katuwaan at pasasalamat ng magkaroon dito sa Morong ng Free Cataract Operation Medical Mission. Ang sigaw nila lalo na ang mga Senior Citizens at young “once” – isa pa nga!